Thursday, March 7, 2019

"What is called genius is the abundance of life and health." — Henry David Thoreau

"What is called genius is the abundance of life and health."
— Henry David Thoreau

The Case for KPOP (and Against OPM)

The Case for KPOP (and Against OPM)


Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na may "divide" ngayon between KPOP fans and OPM fans.
Katuwiran ng mga die-hard at pa-woke na OPM loyalists, kesyo “tangkilikin” daw “ang sariling atin” and the same old echoss.
Pero kasi, ang OPM—to be honest—ay wala nang improvement.


Yep, some might argue na may "new sound" naman daw ang OPM ngayon na iyong parang inaantok ba iyon, na sa totoo lang naman ay NAKAKAIRITA. (Pasensiya na... kung papatulugin na muna...)
May mga bagong usbong din na “rock” pero kung matagal ka nang listener ng rock, mahahalata mong recycled na lang ang style na gamit nila. (Iyong iba ay naba-bash pa dahil puro na lang covers ang ginagawa. Hindi ko sinasabing Agsunta ito pero parang ganoon na nga.)


The most irritating aspect of OPM right now is PURO NA LANG ITO TUNGKOL SA LOVE LIFE.
Iyong mga medyo may political theme na kanta ay naglaho na rin. (R.I.P. Juan Dela Cruz and Pepe Smith.) Iyong mga rap songs noon na may temang panlipunan ay hindi na rin pinapansin dahil mas uso na ang Shanti Dope at Ex-Battalion na puro love life na rin.


Dito pumapasok iyong mga KPOP groups na napaka-diverse ang theme ng mga kanta.
May depression, anxiety, self-love, self-worth, respect, hope, perseverance, truthfulness, etc. Hindi ko na papangalanan para neutral lang at bahala nang tumuklas ang iba. (Bagama't mayroon din namang mga KPOP na purely dance ang kanta.)
Kahit sa ibang bansa tulad ng U.S. na karamihan ng kanta ay tungkol lang sa love, sex and addiction ay marami ang NAUUMAY kaya marami ring kabataang Amerikano na nahuhumaling sa KPOP.


So, ayon. More than the abs and the hit dance moves, mas may artistic merit naman talaga ang kanta ng mga KPOP (lyrics-wise) kumpara sa Western at OPM (na trying-hard magpaka-Western.)
[You might have even stumbled upon social media posts poking fun at This Band's “Kahit Ayaw Mo Na” resembling the beats of Taylor Swift's “Love Story” or the intro of  Juan Karlos'  “Buwan” resembling the intro of Kansas' “Dust in the Wind.” Just how "original" is Original Pinoy Music?]


Kaya nga hindi maikakaila na mas hinahangaan ang KPOP sa buong mundo.
Ayon sa sources, ang Top 10 KPOP groups na most recognized, most awarded at most popular all over the world (as of 2018, in no particular order and in no intention of contrast and comparison) ay:
• BigBang
• SNSD
• EXO
• Suju
• SHINee
• Tvxq
• BTS
• Twice
• Shinhwa
• Infinite


Samantala, ang Top 10 most recognized OPM artists naman sa buong mundo ay:
1. Freddie Aguilar
2. TNT Boys (?)
3. ???
4. ???
5. ???
6. ???
7. ???
8. ???
9. ???
10. ???


Kung tutuusin, halos wala. Kasi nga wala nang improvement ang OPM. At ang kaisa-isang world-renowned OPM artist sa mundo na si ka-Freddie Aguilar ay, sa kasamaang palad, isinusuka, kinukutya at linalapastangan ng mga die-hard fans and listeners kuno ng OPM.
Karamihan kasi ng mga Mabahong Rakista (a.k.a. OPM fanatics na bashers ng KPOP) ay mga pa-woke din na naging  basher ni ka-Freddie mula nang nahimok itong tumakbo bilang senador at nang maging BFF ni President Duterte.
So, as you can see, hindi rin natin makita kung ano ba talaga ang ipinaglalaban ng mga Mabahong Rakista na tagataguyod kuno ng OPM dahil sila mismo ang lumalapastangan sa kaisa-isang haligi at pang-world-class OPM talent na si ka-Freddie.


Masiyado pang magaspang ang pag-uugali ng mga Mabahong Rakista kapag nagkaroon ka ng #MabahongRakistaEncounters with them, kahit wala namang maipagmamalaki ang mga UNRECOGNIZED at UNKNOWN rockbands na kinahuhumalingan nila.


Ano ba ang dapat gawin ng OPM artists para tangkilikin din sila ng masa at ng mundo? E 'di gumawa ng variation at originality. Saka gumawa ng mga kanta na diverse ang tema. At kung gagawa man, huwag  iyong hilaw o half-baked. Instead of bashing Freddie Aguilar, they could actually learn a lot from him. (Disclaimer: I am not endorsing Mr. Aguilar for senator.)


What I am trying to say is, kulang lang siguro talaga sa tamang aruga ang OPM kaya naubusan na ng sustansiya. Sustansiya na hindi nila mahahanap by  bashing KPOP, by recycling others' singing style, or by disregarding a music legend who could have helped them OPM artists grow.


And I thank you.


© Khayri R.R. Woulfe

Saturday, March 2, 2019

WHEN IT IS TIME TO GIVE UP

Minsan, kahit gaano natin kagusto na magsulat lang nang masulat at makatapos ng nobela para matupad na natin ang matagal na nating pangarap na ma-publish, wala pa rin.
Dalawang bagay lang—hindi pa tamang panahon o hindi ito para talaga sa iyo.
Nasa iyo na iyan kung ano sa dalawa ang gusto mong paniwalaan. Madaling sumuko na lang, hindi ba?
Pero ang tanong, kaya mo bang talikuran ang nag-iisa at tanging bagay na nagpapasaya sa iyo?
So, paano mo nga ba malalaman kung dapat ka nang sumuko?
1. Kung hindi ka na napapasaya ng pagsusulat.
2. Kung puro stress na lang ang ibinibigay sa iyo ng pasusulat.
3. Kung nape-pressure ka na sa tuwing humaharap sa laptop/notebook dahil kailangan mong makapa-update para sa mga readers mo.
4. Kung nagsusulat ka na lang para sa fame o sa pera.
5. Kung nagsusulat ka na lang para sa mga readers mo na tipong hindi mo na maisulat kung ano talaga ang gusto mong isulat dahil may mga expectations ka na dapat i-meet.
6. Kung naaapektuhan na ng pasusulat mo ang ibang aspeto ng buhay mo (i.e. relationship mo sa pamilya, mga kaibigan, mga mahal sa buhay.)
7. Kung apektado na rin ang pag-aaral mo o trabaho mo ng pagsusulat.
8. Kung puro pamba-bash na at dumadami na ang kaaway mo dahil sa pagsusulat.
9. Kung nagiging matigas na ang ulo mo at hindi mo na sinusunod ang mga pangaral ng mga magulang mo.
10. Kung puro negatibo na lang ang dulot sa buhay mo ng pagsusulat.
Madaling sabihin na “kung mahal mo, hindi mo susukuan” o “kung gusto mo talagang maging isang successful writer, magtiyaga ka dahil darating rin ang tamang oras para sa iyo.”
Pero real talk, hindi por que pangarap mo ang isang bagay ay dapat kalimutan mo na ang lahat sa buhay mo para makamit lang iyon.
Minsan kasi, may mga bagay talaga na kahit gaano natin ka-mahal, hinding-hindi tayo mamahalin pabalik.
Masakit, oo, pero mas masasaktan lang tayo kung ipagpipilitan natin ang sarili natin sa isang bagay na hindi talaga para sa atin.
Again, it is up to you.
Are you the type who will not give up no matter what?
Or are you willing to forget your dream (for now) to pursue something else, something that could actually save your sanity?

© Cecilia E.C. Raymundo (Tamara Cee, PHR)
#Writing #WritersLife #WritersPH #RealityCheck #WritingTips

"Everything has been figured out, except how to live." — Jean-Paul Sartre

"Everything has been figured out, except how to live."
— Jean-Paul Sartre